@balitaphl: Bumuwelta si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela kaugnay sa inilabas na Artificial Intelligence (AI) generated video ng China Daily’s publication na naglalarawang unggoy ang mga Pilipino. Inupload ito ng China Daily noong Hulyo 10, 2026, kung saan mapapanood ang isang unggoy sa nakasuot ng salakot at barong, mga pangunahing katangian ng Pilipino, habang inuutusan umano ng mga bansang United States (US) at Japan. Sa naging pahayag ni Tarriela sa post niya sa kaniyang mga social media accounts, partikular sa “X,” noong Huwebes, Hulyo 16, sinabi niyang nakakagalit daw na mas may lakas pa ng loob ang China na gumawa ng video na nagpapakita bilang unggoy ang mga Pinoy habang sumusunod sa mga bansang US at Japan. Ani Tarriela, caricature lang daw ang ginawa niya noon na nagpapakita sa mukha ng Presidente ng China na si Xi Jinping, habang hayagan naman daw ang aabot sa isang minutong inupload na video ng China Daily bilang pambabastos at pangmamaliit sa mga Pilipino. Diin ni Tarriela, naalala pa raw niya ang iniutos ng ilang mga senador noon sa kaniya na humingi ng tawad sa China dahil naging paggamit niya ng caricature laban kay Xi Jingping, at binuwelta niyang aabiso raw kaya ang mga nasa matataas na posisyon na humingi ng tawad ang China ngayon. Pagpapatuloy ni Tarriela, hindi raw unggoy ang mga Pilipino at huwag daw silang pumayag na ihalintulad sila ng China sa nabanggit na hayop. Samantala, habang sinusulat ito, mapapanood pa rin ang naturang AI generated video ng China Daily sa kanilang Facebook page sa kabila ng apela ng Department of Foreign Affairs at ni Sen. Robin Padilla na burahin ito. #newsph #Balita #Fyp #News @manilabulletin

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 17 July 2026 06:30:00 GMT
392
4
0
1

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About