Russel Cortez, CHRA :
Sa una lang talaga sobrang hirap, pero habang tumatagal at nasasanay ka, unti-unti mo ring matatanggap ang lahat.
Ako nga, 7 years kami ng boyfriend ko. Nag-abroad siya, tapos nung unang contract niya okay naman kami. Pero nung pangalawang balik niya doon, dun na siya nagbago at nagloko. Ang mas masakit pa, Pasko pa lang pala may iba na siya. Simula noon, halos wala na siyang paramdam sa'kin hanggang sa mag-New Year. Tapos kalaunan nalaman ko na lang na may iba na talaga siya, at mas masakit, buntis pa yung babae.
Nung nalaman ko yun, hindi na ako nagtanong, hindi na rin ako nangulit o humingi ng paliwanag. Hindi ko rin sila ginulo. Pinili ko na lang na manahimik at tanggapin sa sarili ko na wala na talaga. Sobrang sakit kasi 7 years din yun, at 3 years pa kaming nag-live in dito sa Pilipinas. Akala ko noon hindi ko kakayanin kasi sobrang mahal ko talaga siya.
Pero habang lumilipas ang buwan, unti-unti kong natutunang tanggapin ang nangyari. Hindi naging madali, pero kinaya ko. Ngayon, masasabi ko na okay na ako. Hindi ko man makalimutan ang lahat, pero natuto na akong mag-move forward at piliin ang sarili ko. Kaya kung nahihirapan ka ngayon, normal lang 'yan. Bigyan mo lang ang sarili mo ng oras. Darating din yung araw na magigising ka na hindi na ganun kasakit, at masasabi mo rin sa sarili mo na okay ka na.
2026-07-23 22:38:11