@helloworld04097: “Excuse me po, saan po kaya ang Room TBA? Freshmen po kasi ako rito,” tanong ng isang inosenteng estudyante habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag nito. Nanlaki ang mga mata ni Lisa. Freshmen?! Oh, sweet revenge! “Uy, tol, wag!” mabilis na hila ni Jisoo sa braso niya. “Baka malaman ni Ms. President! Yari ka na naman doon!” “Ssshh! Pag malalaman niya lang!” bulong ni Lisa bago humarap sa freshmen gamit ang kanyang pinaka-kapanipaniwalang ngiti. “Ah, Room TBA? Nasa kabilang building! Second floor, pangalawang pinto malapit sa C.R.” “Naku, late na ako! Thank you po!” patakbong sigaw ng freshmen. “HAHAHAHA! Easy target!” hirit ni Lisa habang nag-high five sa hangin. “Dali, ma-la-late na rin tayo kay Ms. Castro!” Nasa kalagitnaan na sila ng leksyon nang biglang umalingawngaw ang nakakabinging static mula sa PA system sa itaas ng pader. “Ms. Lalisa Manoban, you are requested in the Student Council Office right now. Again, Lalisa Manoban, report to the SC Office immediately.” Natahimik ang buong klase. Biglang napalunok si Lisa. Aray. Paano niya nalaman nang ganun kababilis?! Habang tinatahak ang hallway papuntang office, pakiramdam ni Lisa ay papunta siya sa bitayan habang pinapanood ng buong eskwelahan. “Hello, Ms. President!” bati ni Lisa pagkapasok—naka-half smile habang pawis na pawis ang noo. Nakaupo si Jennie sa kanyang desk, nakataas ang kilay, at tila ba may umuusok na galit sa paligid nito. “What did you do?” “Ako? Bakit ako?” maang-maangan ni Lisa. “Bakit, may iba pa bang gunggong dito bukod sa'yo?” pamatay na hirit ni Jennie. “Ahhh… ako nga… ano kasi, hehe…” Bumabagal at lumiliit ang boses ni Lisa dahil pakiramdam niya ay papatayin na siya ng sulyap ni Jennie. “Tinuro ko lang naman kung nasaan 'yong Room TBA…” “Did you know my cousin got late because of you?” PATAY. Napapikit nang matindi si Lisa. Pinsan niya pa talaga?! “Hehehehe! Ms. President, joke lang naman 'yon!” depensa ni Lisa habang itinataas ang dalawang kamay. “Tradition na kaya 'yon sa campus!” “So makikisali ka rin?” “Ms. President tripping lang naman nating lahat 'yon ah!” Bago pa man makapagsalita uli si Jennie, dumungaw si Rosé sa pinto. “Pres, hinahanap ka sa faculty. Pirmahan daw for the event.” “Okay, thanks Rosé. Papunta na.” Agad na tumayo si Jennie, “Lisa… hanapin mo 'yang Room TBA na 'yan sa second floor. Picture-an mo. I want proof. Kapag wala kang naipakita sa akin bago matapos ang araw…” Lumapit pa si Jennie sa kanya. “…mag-commute ka mag-isa pauwi.” BLAG! Padabog na umalis si Jennie at isinarado nang napakalakas ang pinto. Naiwang nakatayo si Lisa sa gitna ng kwarto habang nakahawak sa dibdib. “Grabe naman sa President mode 'yan… parang hindi nag-iiyak 'pag hindi ko pinalagyan ng extra boba 'yong milk tea niya.” #jenlisa #wlw #fyp #au #gl

HelloWorld0409
HelloWorld0409
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 20 July 2026 03:54:25 GMT
7441
658
2
3

Music

Download

Comments

jagiyaa31
summerlyann_m_r :
next?
2026-07-20 05:22:56
1
miles2619ja
call me miles🍓🥐🐃🐣🦢 :
😂😂😅😅Nku lisayaah glit n yung pusa nxt n please thor thank you bitin
2026-07-22 08:00:47
1
To see more videos from user @helloworld04097, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About