thea :
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito.bIlang beses ko nang binura, isinulat ulit, pinunit, at itinago. Kasi paano ko ba sasabihin sa’yo na kahit wala na tayo, kahit magkahiwalay na tayo, at kahit libo-libong milyon ang layo natin sa isa’t isa—hindi pa rin ako makausad.
Masakit na isipin na dati, ang distansya ang tanging kalaban natin. Ang tanging hiling natin ay sana magkatabi na tayo, sana hindi na tayo kailangang maghintay ng oras para makapag-usap, sana hindi na tayo nakatingin lang sa screen habang namimiss ang isa’t isa. akala natin noon, kapag nalampasan natin ang ldr, kaya na nating lampasan ang lahat. Pero hindi ko inakala na darating ang araw na hindi na lang distansya ang pagitan natin—kundi pati na rin ang puso natin.
Naaalala mo pa ba noong gabi-gabi tayong nagtatawagan hangang inaantok tayo? Yung tipong kahit pagod na pagod nako sa pag-aaral, maglalaan pa rin ako ng oras para kumustahin kita. Yung mga panahong masaya ako kahit sa video call lang tayo nagkikita, kasi alam kong kahit nasa kabilang panig ka man ng mundo, ikaw paren ang hinahanap ng puso ko. Yung mga pangako natin na darating ang araw na hindi na kailangan ng wifi o signal para marinig ang boses mo—na sa tabi-tabi na lang tayo. ang mga pangarap na iyon ay hinde natupad..ang mga plano nating magkikita, ang mga paghahandang ginawa natin—lahat iyon parang nananalaytay pa rin sa dugo ko kahit ngayon.-....
2026-07-21 10:43:14