K :
Noong Grade 2 ako, sinundo kami ni Papa sa school gamit yung Starex namin. Dahil sa sobrang antok ko, pagod narin siguro sa school, humiga ako sa pinakalikod ng van literal na higa tapos nakatulog ako. Pag gising ko, nasa repair shop na ako. 😭 Patay yung van, baklas-baklas na yung mga piyesa, tapos may mekanikong lumapit sakin, "Sino ka?" Ako naman na parang paiyak na, "Nasaan si Papa?" 😭 Yun pala naihatid na yung kapatid ko sa bahay bago pa dinala yung van sa talyer, tapos hindi nila napansin na tulog pa pala ako sa likod. Buti na lang hinatid ako ng motor pauwi nung may-ari ng repair shop. Pagdating ko sa bahay, iyak ako nang iyak tapos sila... ang saya-saya lang na kumakain ng dinner. 😭 Sabi ko, "Bakit niyo ako iniwan?" Tapos ang sagot nila, "Akala namin bumaba ka na tapos natutulog ka lang sa kwarto." Beh, hindi niyo man lang chineck kung nasa bahay ba talaga ako bago kayo kumain ng dinner? 😭😭
2026-07-21 01:01:15