@abantenews: MGA MOTORISTA NAGPA-GAS BAGO ANG MULING OIL PRICE HIKE PANOORIN: Sinamantala ng mga rider ng motorsiklo at mga driver ng pampublikong sasakyan (PUV) ang mas murang presyo ng produktong petrolyo ilang oras bago ipatupad ang panibagong oil price hike ngayong araw. Sa isang gasolinahan sa Paco, Maynila, makikitang abala ang isang gasoline attendant sa pagpapalit ng presyo sa gas price monitoring board bilang paghahanda sa ipatutupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo. | via Jonas Sulit