@anakbayan.ph: Obviously, walang pakialam sina Claire Castro, Gibo Teodoro at buong gobyerno ni Marcos Jr. sa magiging epekto ng Pax Silica sa mamamayan. Pilipino na naman ang magtitiis at magdurusa para sa interes ng imperyalista nilang amo. Kahangalan ang sabihing para sa mamamamayan ang Pax Silica. Ang gagawin nito ay wasakin ang kalikasan, at dambungin ang critical minerals natin para suportahan ang mga gyerang agresyon ng US at henosidyo ng Israel sa Palestine. Saan sa mga iyan ang para sa taumbayan? Mag-aaksaya ng milyon-milyong litro ng tubig, ilang gigawatts ng kuryente, at ekta-ektaryang lupain ang gobyerno sa dayuhan habang nasa gitna ng mga rotational brownout, water shortage, at pagtaas ng singil sa kuryente at bilihin ang mamamayan. Dito pa lamang, palyado ang gobyerno sa sinasabi ni Teodoro na "how water is managed." Sasayangin ang tubig habang ilang probinsya ang nakararanas ng matinding tagtuyot. Sa Bikol pa lamang, mahigit P4.8 milyon ang naitalang halaga ng ani na nawasak dulot ng kawalan ng ulan. Habang tinatayang umabot na ng 121.71 ektarya ang apektadong lupang agrikultural kung saan 66.64 ektarya ang nasira habang 55.07 ektarya naman ang tuluyan ng nawasak. Wala ni katiting sa Pax Silica ang magsisilbi sa interes ng mamamayan. #notopaxsilica #paxsilica #clairecastro #bbm #fyp
anakbayan
Region: PH
Wednesday 22 July 2026 06:05:23 GMT
Music
Download
Comments
Kana 🐱 :
sana po bumoto na tayo ng hindi korap sa eleksyon 😔 the damage was not worth it
2026-07-22 10:39:37
0
To see more videos from user @anakbayan.ph, please go to the Tikwm
homepage.