lily :
Naalala ko tuloy yung nagtitinda ng pandesal samin dati. Sobrang lubog na lubog kami that time, gutom na talaga kami, wala kaming pera non kasi na scam yung papa ko, nung nakita nya yung bunso naming kapatid sa labas, tinanong nya kung bibili ba kasi suki nya kami tas sagot ng kapatid ko, wala po kaming pera kuya. Tas binigyan nya nalang ng halagang 50 pesos kapatid ko, that time madami ng pandesal yon. Hanggang sa araw-araw, nagbibigay sya samin pero sabi ng mama ko. "kuya, balang araw makakasukli din kami sa kabutihan mo." Mga ilang araw lang, lumuwas kami lahat sa manila para mag work kami ng kuya ko. Nung nakarecover na ulit yung papa ko at naayos na lahat ng problem namin, bumalik kami dito sa cabanatuan. Hinihintay namin sya araw araw pero di na pala sya gumagawi dito sa amin. Hanggang sa nakita namin sya kalapit barangay namin, nagloloko sya dun. Naiyak kami kasi sya nag survive samin, sa araw araw na gutom kami. Binigyan sya ni mama ng pera. At laking tuwa nya at naiyak din sya kasi di daw nya inaakala na makakasurvive kami at maalala pa namin sya. Alam nyo totoo ang kasabihan na minsan ang mas genuine na tao ay hindi kamag-anak o kakilala mo, minsan yung hindi mo kaano-ano, sila pa gagawa tutulong sayo. Kudos sayo Kuyang Pandesal (tawag namin sa kanya) God bless you always, sana magtagpo tayo ulit. 🥺
2026-07-24 14:25:12