@dailydose.pt.1: 📖 — Lucas 1:51–52 “Ipinakita Niya ang kapangyarihan ng Kanyang bisig; pinangalat Niya ang mga palalo sa pag-iisip ng kanilang puso. Ibinaba Niya ang mga pinuno sa kanilang mga trono, ngunit itinaas Niya ang mga mapagkumbaba.” Pagninilay: Ipinapaalala nito na hindi posisyon o yaman ang batayan ng Diyos. Ang tinitingnan Niya ay ang puso. Ang pagpapakumbaba ay daan sa masaganang biyaya. Huwag kang mag-alala kung tila matagal—siya ang magtataas sa iyo sa tamang panahon. Tara sabay tayong manalangin 🙏 Panginoon, Ibinababa ko ang aking sarili sa Iyong harapan. Ikaw ang makapangyarihang Diyos na nag-aangat sa mga mapagkumbaba. Ilayo Mo ako sa pagmamataas, punuin ng Iyong grasya, at itaguyod sa Iyong takdang panahon. Sa Iyo lamang ako nagtitiwala. Sa pangalan ni Hesus, Amen!