@kupasnganghel: madaling magbitiw nang salitang pagod ka na pero naisip mo bang ikaw lang din ang naghukay kaya nandyan ka sa sitwasyon na wala kang kamalay-malay? marahil ay nakaramdam ka ng kaginhawaan ng una mong sinubukang maging bersyon ng sarili mong nabubuhay lang dahil sa ekspektasyon ng iba, pero ng pinagpatuloy mo, may nabago ba? pagod at lungkot lang ang dalawang nag-uunahan parati, animo ay nasa isang karera na ang iisang misyon ay panatiliin kang nagninilay, hinayaan mong makulong ka sa siklo ng buhay na wala kang ibang ginawa kundi ang desperadong habulin ang mga salita na may kakambal na mahihinang ekspektasyon, siguro ay dala ng takot na baka kapag huminto ka ay tuluyan na nilang hindi kilalanin kung sino ka, pero nakalimutan mo na ba na buhay mo yan? na nagkataon lang na nandyan sila, kaya hayaan mong maging isang tagapanood lang sila sa kung ano mang ihinuhumpay nang puso mo—dahil hindi mo kasalanan kung pipiliin mong tumahan at hindi habulin ang mga bagay na hindi naman nararapat na idikta kung sino ka. #fy #fyp #prosa #writer #foryou
you never fail to write such gut wrenching pieces na talagang tagos na tagos sa posoh 😞
2026-07-28 06:20:38
1
nozomi :
tama nga naman. buhay mo ‘yan, and you should move at your own pace. pero minsan, hindi talaga maiiwasang ikumpara ‘yung buhay nila ngayon sa kinatatayuan natin ngayon. may mga araw ba nakaka-inspire sila, pero may mga araw rin na hindi maiiwasang isipin kung ano bang ginawa nila na dapat din nating gawin para umusad sa buhay? ilang hakbang pa ba ang lalakarin?
2026-07-28 06:24:17
0
To see more videos from user @kupasnganghel, please go to the Tikwm
homepage.