@huningsalin: mahirap palang matalo kapag hindi ka pinalaking handa para rito. kapag bawat medalya ay naging sukatan ng halaga mo. kapag bawat papuri ay unti-unting nagturo sa'yong ang tanging bersyon ng sarili mong katanggap-tanggap ay iyong laging nananalo. ang masakit pa roon, wala namang nagturo sa'yo kung paano bumangon. tinuruan kang manalo, pero hindi kung paano matalo. tinuruan kang mauna, pero hindi kung paano maiwan. tinuruan kang maging pinakamahusay, pero hindi kung paano tanggapin na balang araw, may mas magiging mahusay. kaya noong unang beses na hindi pangalan mo ang tinawag, pakiramdam mo hindi lang medalya ang nawala. pati ang halaga. pati ang pagkatao. pati ang bersyon ng sarili mong buong buhay mong ipinaglaban, ipinagmalaki, at pinanghawakan. may mga taong hindi takot sa pagkatalo. ang kinatatakutan nila ay ang katahimikan pagkatapos ng palakpakan. ang mga matang dati'y puno ng paghanga, ngayo'y sa iba na nakatingala. ang mga bibig na dati'y buong galak kang binabanggit, ngayo'y iba na ang ipinapangalan. siguro kaya may mga taong hirap na hirap bumangon. hindi dahil mahina sila. kundi dahil buong buhay silang pinalaking maniwalang ang pagmamahal ay may kapalit na medalya, ang pagtanggap ay may kapalit na tagumpay, at ang halaga ng isang tao ay laging sinusukat sa dami ng kaniyang naiuuwi, at hindi sa dami ng kaniyang nalalagpasan. kaya noong minsang natalo sila, hindi lang pala panalo ang nawala. nawala rin ang sarili nilang matagal na nilang pinaniwalaang sila

Mirai
Mirai
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 25 July 2026 07:14:53 GMT
20873
3551
2
159

Music

Download

Comments

kweeshaaa
Krisha Laurio :
WOWWW
2026-07-25 08:19:18
1
To see more videos from user @huningsalin, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About