@jaceonthepace: Bilang isang rider na paranoid sa safety, ito na yata ang isa sa best upgrade na kinabit ko sa motor ko.
Why did I decide to add a motorcycle carplay/dashcam?
Para ma-eliminate yung biggest blindspot, which is sa likod ko - Ang dami kasing riders/drivers na mahilig dumikit at tumutok even sa moving traffic na akala mo mang-aararo. Laking tulong din kapag mag-switch lanes, dagdag sa side mirrors, dahil hindi naman kita lahat. Madami rin akong nakitang video or nabalitaan na kapag nasa stop, bigla na lang may babangga sa likod, kaya dagdag way ito para ma-ensure ko yung safety ko at ni OBR.
In cases of accidents or maling huli, may evidence ako - As a rider, kahit na maingat ako magmaneho, madalas sa atin napupunta ang sisi kaya maganda ito as evidence. Naranasan ko na rin before na masisi sa self-accident ng ibang rider and wala akong dashcam to prove na di ako involved and wala rin silbi yung CCTV sa area, luckily napaamin ko na lasing at mapaspas yung rider.
Iwas sira at snatch sa phone - Mas mabilis masisira ang phone mo dahil sa vibration ng engine at road conditions, kasama na rin yung matinding init at kapag naulan, plus, prone din sa snatch. With this, nasa loob lang ng damit ko, top box, or bag yung phone ko. Compared sa phone na 8-10x yung price, mas sulit ito. Both Android and Iphone, pwede kong ma-connect dito, madali lang din i-setup.
Live streaming, parking monitoring mode, and GPS - this specific carplay that I have ay may parking monitoring mode. If ever may makadali ng motor ko, tumba or bangga, magre-record siya para may evidence ako. Pero ang pinakagusto ko dito is may app siya, sa app pwede kong mapanood ng live yung dashcam kahit naka-off ang motor ko, pwede akong magsalita through it para kapag may nalapit, pwede ko makita yung location, and pwede ko rin ma-access yung recordings.
TPMS - madali ko makikita yung tire pressure, di ko na kailangan isalpak lagi yung pump para lang makita.
Removable - kung ayaw ko naman iwan, I can easily remove it, may tatlo lang siyang cables and unscrew ko lang din yung sa ball mount. Bumili na lang ako ng silicone cap para kapag nakatanggal, protected yung cables. #LinkiFunMT24 #Motorcyclecarplay #creatorsearchinsights #motorcyclebikeaccessories
Jace
Region: PH
Monday 27 July 2026 21:51:59 GMT
Music
Download
Comments
pea :
Worth every peso para sa safety and evidence alone, sobrang solid! 😩
2026-07-28 02:15:48
2
Pom Pom :
Hi! Is it okay kung ipakita mo how to remove the carplay dashcam sa motor?
2026-07-28 05:11:38
1
pransinikoll27 :
Paano po nagana yung feature na live streaming sa Cloud Spirit app ng carplay na yan?
2026-07-29 09:09:21
2
To see more videos from user @jaceonthepace, please go to the Tikwm
homepage.