mackyy :
first year BSHM student here. 🫶
Honestly, ang dami ko nang narinig na, "HM lang?", "Bakit HM pa?", "Ang dali lang naman ng course mo." o kaya "Mag-Nursing, Engineering, o ibang course ka na lang."
Pero no. HM has been my dream since elem pa ako. Hindi ko babaguhin yung pangarap ko dahil lang sa opinion ng ibang tao. And about the gastos? Lahat naman ng course may gastos. Wala namang nagco-college na hindi gumagastos, diba? Books, uniforms, projects, requirements, transportation kahit anong program pa yan may expenses talaga.
Tsaka sana tigilan na natin yung pagda-down ng ibang course. Walang course na madali. Bawat isa may sariling hirap, pressure, puyat, at sacrifices. Hindi porke iba ang ginagawa ng isang program, mas madali na agad.
At the end of the day, pare-pareho lang naman tayong students na nagsusumikap para maabot yung pangarap natin. So let's respect each other's chosen path. Hindi "lang" ang Hospitality Management, at hindi rin "lang" ang kahit anong course.
Let's stop saying "lang" kasi every course deserves respect. Lahat tayo may kanya-kanyang laban.
2026-08-08 15:40:51