@republikanijuan87.5: Alam mo ba na ang "Mr. DJ" na nagpasikat kay Sharon Cuneta ay nabuo lang sa loob ng jeep? Noong 1978, matapos hindi maging "Hit" ang debut single na "Tawag ng Pag-ibig" ng 12-year-old na si Sharon, hiniling ng kanyang tiyuhin at vice president ng kanyang record label—Vicor Music na si Tito Sotto kay Rey Valera na gawan siya ng bagong kanta. Nahirapan si Rey dahil masyado pang bata si Sharon para sa seryosong love song, pero hindi rin pwedeng pambatang awitin o nursery rhyme ang gawin niya. Habang nakasabit ng paupo sa jeep mula Monumento papuntang Bulacan upang makauwi, nakuha ni Rey ang ritmo mula sa patak ng ulan at nabuo ang melody sa loob lang ng 30 minuto! 🚎🎶 Nang ipinresenta ni Rey ang kanta kay Tito, agad itong napusuan ni Tito na tila ba'y isa itong "goldmine." Pagkalabas ng kanta, pumatok ito nang husto sa mga istasyon ng radyo sa buong bansa at tuluyang naglunsad sa karera ni Sharon sa pagiging isang iconic na "Megastar." 🌟 Ikaw, Juan, ano ang paborito mong kanta ni Sharon Cuneta? 🎙️❤️ At siyempre, 'wag mo kalimutang mag-like, share, at follow ha? 🫡 Source: Balitambayan/GMA Network 📷 : Sharon Cuneta/Spotify #AlamMoBaJuan #SharonCuneta #ReyValera #MrDJ #OPM

87.5 Republika Ni Juan FM
87.5 Republika Ni Juan FM
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 28 July 2026 08:34:48 GMT
27197
705
11
29

Music

Download

Comments

kulangot.ako
kulangot ako :
si Rey Valera po ba yun nakaupo sa exit ng PUJ?
2026-07-30 01:10:54
0
cortezsay
YASI :
si mr. rey valera po ba ang gumawa ng kanta nyan?
2026-07-31 03:45:24
0
monchingdelavega
monchingdelavega :
we love Sharon
2026-07-28 15:06:53
1
jenseven0
jenseven :
High School life.
2026-07-31 17:08:15
0
marcgarcia820
MarcGarcia :
fave na song ko sa kanya"balutin mo"😂
2026-07-30 06:54:38
1
hscb5588
znnahs :
akala ko ba si joe delion Ang gumawa ng Mr. Dj
2026-07-31 00:14:32
0
rafael.toledo476
RAFAEL TOLEDO :
"KAHAPON LAMANG".
2026-08-03 11:59:07
0
pepe_pepe1728
PEPE :
highschool life di mabubura kahit kailan
2026-07-29 23:48:46
0
sunshineprincess83
🌿✨BEA✨🌿🇵🇭🩷🥰 :
ako ung sana'y wala ng wakas🥰
2026-07-31 08:41:30
0
evantyatacador
evantyatacador :
😳😳😳
2026-07-29 11:44:04
0
To see more videos from user @republikanijuan87.5, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About