@abantenews: Sapul sa #CCTV ang pagsalisi ng isang lalaki sa isang café sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal noong Hulyo 21 ng hapon. Sa video na ini-upload ng café owner, makikita ang panloloob ng suspek at isinilid nito sa salawal ang dalawang cellphone na nagkakahalaga ng halos ₱100,000. Kuwento ng biktima, magbubukas pa lamang ang kanilang café at nag-aayos pa sila nang sumalisi ang suspek. Agad ini-report ng biktima sa pulisya ang insidente. Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang suspek.