🦢🧸 :
my tita also can relate, 12 years silang mag jowa ni boy, lumuwas ng manila si Tita para ipagpatuloy ang 4th year niya as a Nursing student kasi nawala na si Lolo, si Lola naman wala ng ikakapaaral sakanya kaya kinuha siya ng kapatid ni Lola para don ipagpatuloy yong last year niya as a Nursing Student. Bago umuwi, nag usap muna sila ni boy na after niyang maka graduate at makapag take ng board exam, don muna siya magtratrabaho ng 1 year para pandagdag sa kasal nila kasi yong boy nagtratrabaho na as a civil engineer, gusto ng boy na siya ang magpaaral kay Tita kaso Lola as a traditional woman, ayaw niya kasi ang panget dawng tingnan eh di pa sila kasal, eh sabi ni boy magpakasal na sila, kaso ayaw muna ni Tita cuz she wants to achieve her dreams using her own abilities, without relying on her partner. After almost 3 years sa manila, umuwi na siya dito samin sa Cebu. Dumiretso siya sa bahay nung Guy. At don niyang nakita na may bitbit na ng bata na hawig nung Guy, at may lumapit na babae, which is yong bestfriend nung Guy (na sinabi sa akin mismo ng kapatid nila na prostitute daw, to achieve her dreams, katawan niya daw ang gamit para may pang allowance, naging kabit pa daw ng kapitan nila noon, maraming beses ding naging kabit ang girl) mabait naman yong girl, kaso wala dawng choice kasi wala ng magulang. Iniwan ng tatay. Wala na ang Nanay. Nakita ni Tita na malaki ang ngiti nung Guy kaya imbes na umiyak at sumugod sakanila. Umuwi si Tita sa bahay ni Lola. 2 weeks after na nalaman ng Guy na nakauwi na si Tita. Nag sorry siya kay Tita, at aksidente lang daw ang lahat sa inuman (pero nasundan pa ng nasundan🙄). Si Tita as a mabait naman, binigay nalang niya sa Guy yong ipon nila para kasal kasi may bata na daw. Kawawa yong bata, babae pa naman ang anak. Now, nung namatay si Lola. Siya nalang yong tumira sa bahay nila. Siya lang ang walang asawa sa 8 nilang magkakapatid. Ika apat siya at panganay sa babae. Nag ampon siya. Which is “Ako”. When my mother gave birth to me, I was in breech position. Hindi nakayanan niya ang sakit, hindi din siya pinagutan ng nakabuntis sakanya. Kaya akong pinili niyang buhayin kasi nakita na daw niya ang mundo, ako wala pa🥺
2026-07-30 04:31:58