Aerah :
hello den, total ganito na. magulo na, wala ka nang oras sakin, mag cchat ka and then sasabihin mo reason? instead na ganiyan bakit di mo muna sabihin yung gagawin mo bago ka mawala sa isang conversation? hindi ako mababaw, vinavalid ko feelings ko. sa tinagal tagal, hindi pala talaga kaya baguhin nang tao ang isang tao kahit gaano mo to pakitaan nang maganda, kahit gaanong pagmamahal yung ibigay mo. sorry hayden, sobrang laking kawalan mo, pero nasasaktan mo na ako, emotionally. minahal kita nang buo, ibinigay ko rin lahat nang kaya ko. alam mo yan. ginawa kitang prioridad sa paraang ni minsan, di ko akalaing magagawa ko sa isang tao. gusto kong malaman mo na lahat nang ginawa, sinacrifice, at pinaramdam ko sayo, totoo lahat nang yun, at walang ibang tao na nakaranas sakin noon, kundi ikaw lang. sa ngayon masakit, masasaktan ka sa mga sinasabi ko, pero mas nasasaktan ako. minahal kita sa paraang alam at kaya ko, kahit minahal mo lang ako sa paraang alam mo, at hindi sa paraang gusto ko. sobra na akong naoovelwhem sa mga ganitong situation. ni sarili ko hindi ko na maintindihan sa sobrang pag iintindi ko sayo. mahanap mo sana yung taong magtitiis nang sobra sobra sayo. kasi ako, hanggang dito nalang yung kaya ko hayden. thankful ako kay lord na may napakilala siya sakin na ganiyang klaseng tao, kahit masakit ka magmahal, may part pa rin sayo na masarap ka ring magmahal. lahat nang sinasabi ko ngayon, galing to lahat sa puso ko hayden, kaya sana wag mong isawalang bahala. lahat nang napagdaanan at nangyari satin palagi ko yun isasabuhay, hinding hindi kita makakalimutan, at hinding hindi ko makakalimutan lahat lahat nang pagsubok na sabay nating nalagpasan, ang galing nuh? ilang chances ang nabigay ko, at akala ko rin kasi makakayanan ko lahat, pero hindi e. pasensya kana, pero hanggang dito na lang ang kaya ko. wala e, pinasuko mo yung taong walang balak na sukuan ka. galingan mo palagi, tatagan mo. kahit wala na tayo, nandito pa rin ako. hindi bilang girlfriend, hindi bilang partner, kundi bilang tao na minsan na ring naging iyo. lahat nang plano natin, sana matuloy mo sa tamang tao. again, this is era, your ex girlfriend.
2026-07-31 05:05:22