@letstalkweddingsph.tammy: Empty hall shoots are super nice but it’s not a requirement. Pero kung gusto ninyo nito, may isang tanong na magandang itanong bago kayo mag-decide. Habang nasa empty hall shoot kami, nasaan ang guests? Habang maganda ang photos at videos ninyo, siguraduhin ding komportable ang mga bisita. ✔️ May mauupuan ba sila? ✔️ May activities ba habang naghihintay? ✔️ Paano kung umulan at nasa labas sila? ✔️ May covered area ba kung hindi pa tapos ang shoot? Hindi ito para pigilan kayong mag-empty hall shoot. Ang goal lang ay masiguro na maganda ang experience ninyo at ng guests ninyo. Pwede itong itanong sa venue at sa wedding coordinator para alam ninyo kung paano nila hina-handle ang waiting time ng guests. #WeddingTips #WeddingPlanning #bridetobe #groomtobe #cocktailhour