shi :
TikTok standard daw, pero yung babae binigay na ang lahat sa isang lalaki—understanding, effort, reassurance, everything. Ginawa ng isang babae ang lahat para lang sa isang lalaking 'yan.
Every monthsary, gumagawa yung girl ng gift para sa kanya para maramdaman ng lalaki na special siya at siya lang talaga. Bumibili pa siya ng kung anu-ano at gumagastos para doon. Pero yung guy, tinatanggap lang ang lahat. Wala man lang siyang maibigay sa babae in return. Pero okay lang sa babae, as long as babawi siya.
Sa loob ng 1-year relationship nila, dalawang flowers lang ang naibigay ng guy sa girl. Tapos sasabihin pa ng lalaki na sobrang expensive daw yung girl. Yung girl, nag-a-accept ng letters, kahit sobrang simple lang ang ginawa ng guy, naa-appreciate niya. Pero nung gumawa yung guy ng letter, lahat ng materials galing sa girl, hinihingi lang.
Yung guy never put effort. Palagi na lang, "Bawi ako sa'yo." Kung gumawa man siya, bare minimum lang, pero wala pa rin. Yung girl pa ang gumagawa ng plano para lang sa date nila kapag magkikita sila. Yung girl pa ang naglalaan ng oras para makapunta sa bahay ng guy, pero yung guy minsan lang ginagawa 'yon. Ang dami pa niyang dahilan. A girl gave everything to that guy. Naging provider siya. Binigay niya ang wants and needs ng guy—lahat. Pati phone niya, ibinigay pa ng girl. Pati pagpapaayos ng phone niya, yung girl pa ang gumastos.
Tapos ang ginawa lang ng lalaki ay saktan siya nang paulit-ulit. Sinisisi siya sa emotions niya, kahit yung guy din naman ang dahilan. Kahit maraming masasakit na ginawa ang guy, pinapatawad pa rin siya. Binigyan pa rin siya ng chances. Pero yung guy, inaabuso lang ang kabaitan ng girl at ang mga chances na binigay sa kanya. Sinasaktan pa rin niya siya. Hindi physically, kundi emotionally.
At proud pa yung guy na hindi raw siya nag-cheat sa girl, pero hindi naman niya siya matrato nang tama.
The last act of love ng girl ay nung niyaya siya ng guy sa tinatambayan nila. Naglaan talaga ng oras yung girl para sa kanya, kahit sobrang pagod siya sa activities niya dahil siya lang ang gumawa ng major PT mag-isa. Tapos nagalit lang yung guy sa kanya dahil sinabi lang ng girl na.
2026-08-02 15:47:38