@sulatnitep: ano ba ang pangarap mo? — ang pangarap ko? imposibleng wala akong sariling pangarap. tao rin akong may muwang—marunong makaramdam, at mas lalong marunong makiramdam. subalit, papaano ko pakikiramdaman ang sarili kong pinipithaya, kung ang sarili ko mismong kadugo, ay siya pang kumokontra sa sarili kong mga hangarin? matagal nang may guwang sa espasyo ng aking mga iniibig. lahat sila, hindi ko pa magawang pakiramdaman. hindi ko sila magawang lapitan. pagkat ang sabi nila, “hindi lahat ng pangarap ay kinakailangan mong tabihan”. ang paanyaya nila, ikukubli mo ang mga ito hanggang sa hindi na sila ang maging singhal ng iyong puso. totoo ba iyon? ilang taon na rin ang nakalilipas, pero iisa pa rin iyon sa mga pinapangarap ko. ang maghayag, at ang magpakatotoo sa gitna ng entablado. ang bumoses at ang umakto batay sa inihihiyaw ng masa. ang kamuhian at manggalaiti sa mga tigang na nagpapahirap sa atin. ang magpa-paos hanggang sa ika’y tunay nang maramdaman—hanggang sa tunay ka na nilang masilayan. ngunit papaano ko ito maipapakita, kung para na akong isinasakal sa sarili niyong mga trangka? ipinoposas niyo ang sarili kong abilidad nang dahil sa hindi niyo rin nakamtan ang mga nalusaw niyong mga pangarap. bakit pati ang akin, walang atas ninyong ipinapatay. ikokondena nila ang estrelya sa diwa ko, hanggang sa mapagtanto kong malawig na akong lugong-lugo. magiging tuta ako ng mga salita nila, hanggang sa hindi ko na makilala ang sarili kong mga pangarap. dahil sa kwarto kong inaagnas, iyon ang entabladong paborito nilang kutyain. doon ka nila paluluhain. — #writersoftiktok #webweavingpoetry #theatre #fyp

sulatnitep
sulatnitep
Open In TikTok:
Region: PH
Sunday 02 August 2026 08:17:38 GMT
8901
277
11
118

Music

Download

Comments

imspongebob67
imspongebob67 :
teptep u da goat
2026-08-02 10:00:19
1
kwesera
sarah :
I LOVE
2026-08-02 11:55:15
1
jabuleespoon
xiaa :
first
2026-08-02 08:29:28
1
inkflux
⠀ :
2026-08-02 13:21:40
1
binsentnyenye
isovins :
2026-08-02 14:25:52
1
username542713
ㅤ :
🫂🫂
2026-08-02 08:40:29
1
To see more videos from user @sulatnitep, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About