@gmanews: ILANG RESIDENTE, HALOS TANGAYIN NG TUBIG HABANG SINUSUONG ANG RUMARAGASANG ILOG Halos tangayin ng tubig ang isang bata at ang ilang residente mula sa Bais City sa Negros Oriental habang tinatawid ang Cabanlutan River. Sa gitna ng lakas ng agos ng tubig dahil sa epekto ng Bagyong #LuisPH, sinuong ng mga residente ang ilog, makarating lang sa kabilang bahagi ng lugar. Ang ilang mga alagang hayop, nahirapan din makatawid dahil sa lakas ng agos. | via 24 Oras Weekend Video Courtesy: Genwel Adlaon Abrasado via 24 Oras Weekend #GMANews