@ohmybeenews: Anthony Taberna Interviews Atty. Judd Roy: Mga Katanungan sa Imbestigasyon ng Ombudsman kay Martin Romualdez Sa panayam kay Anthony Taberna, binatikos din ni Atty. Judd Roy ang mga pahayag na iniuugnay niya sa Ombudsman tungkol sa Sandiganbayan. Ayon sa kanya, kung hindi ito maipaliliwanag, pwedeng masira ang tiwala ng publiko sa hudikatura. “Yang sinasabing ‘tinatrabaho,’ paratang ‘yan. That’s an accusation of corruption.” Dugtong pa niya: “Ano ibig niyang sabihin? Nasusuhulan?” Para kay Roy, dapat may kasamang matibay na ebidensya ang anumang paratang laban sa integridad ng mga hukuman. Nagbabala rin siya sa maaaring epekto nito sa tiwala ng taumbayan.