Danica ୨୧ :
how am I supposed to move on kung kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw pa rin ang naaalala ko? akala ko magiging madali kapag lumipas na ang panahon. akala ko one day gigising na lang ako na hindi na mabigat, na hindi na ikaw ang unang pumapasok sa isip ko. pero hanggang ngayon, hindi pa rin pala. i tried distracting myself. I tried convincing myself na tama lang 'yung naging desisyon ko. pero no matter how hard I try, there's always something that brings me back to you. isang kanta lang, isang lugar, kahit simpleng katahimikan lang, bigla na lang bumabalik lahat. ang hirap tanggapin na kailangan kitang kalimutan, samantalang ikaw pa rin ang taong hinahanap ng puso ko. I don't miss the past, I miss you. I miss your presence, your voice, the comfort I used to find in you. people keep asking me, "hindi ka pa ba nakaka-move on?" hindi ko na lang sinasagot, kasi paano ko ipapaliwanag na hindi naman gano'n kadali kalimutan ang taong minahal mo nang totoo? they only saw the ending. They never saw how deeply I loved you. siguro darating din ang araw na magiging okay ako. pero sa ngayon, ang totoo, ikaw pa rin ang laman ng bawat tahimik kong gabi. at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano magsisimulang mag-move on sa taong hindi ko naman talaga gustong bitawan.
2026-08-08 22:57:11