@jemary.sebastian: “Paano niyo napundar ang mga apartment?” Madalas namin marinig at nababasa sa comment section. Hindi naman ito biglaang nangyari nagsimula lang kami sa simpleng paggawa at pagbebenta ng dishwashing liquid, liquid detergent at iba pang gamit na araw-araw kailangan ng tao. Hindi man ito mukhang sosyal na negosyo pero dito namin nakita na nasa sipag, tiyaga at maayos na produkto talaga ang puhunan. Kaunti man ang kita sa umpisa kapag tuloy-tuloy at marunong humawak ng pinagkakakitaan naiipon din pala hanggang sa may mapundar. Kaya wag maliitin ang maliit na negosyo. Kapag marangal ang hanapbuhay pwedeng maging daan ang simpleng simula para matupad ang mas malaking pangarap. #fypシ #businessowner #jemarysebastian #Wisecleaner #investment #dishwashingliquid