@kyi_i0: Babalikan….. Tuwing natatapos ang araw sa Sitio Kalangitan, palagi kong sinasabi na “Babalikan” ko ang lugar na ito. Bababalik upang bisitahin ang mga pangunahing guro ko sa labas ng silid-aralan. Babalik upang matuto sa mayabong kultura at kasaysayan ng ating mga katutubong Ayta. Lingid sa kaalaman ng iba, ang Sitio Kalangitan ay isa sa mga Sitio na matatamaan ng itatayong Pax Silica sa Capas, Tarlac. Sa mismong lugar na ito kung saan sumasayaw ng taripi ang ating mga katutubo. Sitio Kalangitan. Tunay nga bang kalakip ng Sitio ay Langit? O magiging impyerno na para sa karamihan? At kung tayo man ay babalik sa Sitio Kalangitan. Masasabi pa ba nating may “babalikan”? dahil baka sa muling pagbalik natin, ang luntiang kapaligiran ay napalitan ng imprastraktura. at ang mga katutubo ay pinaalis na #NoToPaxSilica #RejectPaxSilica #StandWithTheAyta #DefendAncestralLand