@meerani_007:

BABAR_MEERANI🔱
BABAR_MEERANI🔱
Open In TikTok:
Region: PK
Thursday 06 August 2026 15:01:18 GMT
656
116
5
2

Music

Download

Comments

wassiaslam15
WASSII :
Meerani😂✈️
2026-09-04 12:20:05
1
farhan._baloch
👑𝐁𝐀ل𝐎𝐂𝐇👑 :
❤️❤️❤️
2026-08-06 15:05:13
1
yousufmirani0
⚜️یوسف ميراڻي ⚜️ :
🥰🥰🥰
2026-08-06 15:36:51
0
alikhanshar95
☠️meer. Sahab💞✌️💸 :
💖💖💖
2026-08-06 15:26:47
0
muhammad.bakar533
Muhammad Bakar :
❤️❤️❤️
2026-08-07 09:21:16
1
To see more videos from user @meerani_007, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

Pinutakti ng mga netizen ang diretsahang pagkokomento at pagsita ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa mga naging pahayag at komento ng batikang actress at TV host na si Gelli De Belen, patungkol sa umusbong na isyu sa pagitan nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa mga nagdaang araw.  Nag-guest kasi si Gelli sa isang programa ng GTV na
Pinutakti ng mga netizen ang diretsahang pagkokomento at pagsita ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa mga naging pahayag at komento ng batikang actress at TV host na si Gelli De Belen, patungkol sa umusbong na isyu sa pagitan nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa mga nagdaang araw. Nag-guest kasi si Gelli sa isang programa ng GTV na "Chika Cart" kung saan isa sa mga natanong ng hosts na sina Baninay Bautista, Jeff Fernando, at Donita Nose kay Gelli bilang guest nila kung sino ba ang nakakuha ng inis niya sa pagitan nina Patrick at John Estrada na dating mister ng kaniyang kapatid na si Janice De Belen, yaman ding napag-uusapan ang tungkol sa pagiging ama. Nagbigay rin ng komento si Gelli sa isyung kinahaharap ni Patrick, lalo't naba-bash siya nang husto matapos niyang ihayag ang bersyon ng kaniyang truth sa matagal nang isyu sa pagitan nila ng dating karelasyong si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado, na misis ni Dennis: tungkol sa umano'y pag-abandona ni Patrick noon kay Jen habang pinagbubuntis ng huli ang panganay nilang anak na si Alex Jazz. Ipinagdiinan dito ni Patrick na taliwas sa mga lumabas na intriga noon, hindi raw niya iniwan si Jen. “Sa mga bashers na bina-bash ako, they hate me so much because they're saying na iniwanan ko si Jen. No, that's not true! Hindi ko iniwanan si Jen," anang Patrick. Dagdag pa niya, "And sa ibang mga bashers na nagsasabi na I was never there for Jen sa pregnancy niya, that's true. I was never there for Jen during her pregnancy, not because I didn't want to be there, but because she didn't want me to be there.” Going back kay Gelli, sinabi niya sa bashers na maghinay-hinay lang din sa pagbibigay ng masasamang komento laban kay Patrick dahil apektado rin ang anak nito, lalo na si Michelle Garcia. "Hindi kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan yung anak ni Patrick..." saad ni Gelli. "Sa kagustuhan namang makatulong ng ama, parang lalo namang... nagkaroon naman ng problema. Tapos ang dami nang... nanganak na nang nanganak, na-involve na nang na-involve." "Sana wag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusapan at yun naman sila talaga ang pinakaimportante dahil yung mga magulang, mga nakakatanda, nakapag-move on na sila sa mga buhay nila. So sana let's show the young ones what is right, what should be done, and not show them all this bad stuff." Batay naman sa reaksiyon ng hosts, sang-ayon sila sa sinabi ni Gelli. Sinabi ni Donita Nose na kaya lumapit ang anak ni Patrick sa kaniya na si Michelle dahil sa bashing na natatanggap niya, dahil sa hindi pa rin matuldukan na nakaraan at patuloy na pagkukumpara ng mga netizen sa relasyon ni Patrick sa apat na anak, sa anak nila ni Jen na si Jazz. "Yung ibang tao kasi, mas pinalala," saad pa ni Donita. "Kaya nga, parang yung mga nagkokomento, yung mga gumagawa ng unnecessary things, wag n'yo kalimutan may mga bata... may mga bata rito na apektado, apektado na nga, mas lalo pang affected ngayon. So, sana easy lang guys, easy lang, yung mga magulang, okay na sila, nakapag-move on naman na sila eh, 'di ba," ani Gelli. KOMENTO NI DENNIS Samantala, nagkomento naman si Dennis sa pamamagitan ng kaniyang verified Instagram account, sa Instagram page ng nabanggit na programa. Makikitang naka-tag pa mismo ang komento niya kay Gelli. Aniya, "@gellidebelen nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!" Hindi rin pinalagpas ni Dennis ang mga tila sumasang-ayon sa sinabi ni Gelli, na bagama't walang tinukoy, espekulasyon ng mga netizen ay sa tatlong hosts. Aniya, "Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV !!!! bagay na bagay kayo jan." Sinamahan ni Dennis ng "pile of poo emojis" o mga ebak ang nabanggit na komento. Dagdag pa niya, "Agree lang ng agree ang mga #8080." Sundan: balita.mb.com.ph #Balita

About