@_rjmanalo: 6.21.26🫶🏻💍

RJ
RJ
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 07 August 2026 01:59:33 GMT
4108689
876435
1822
67227

Music

Download

Comments

_rjmanalo
RJ :
Eto na po, sasabihin ko na po para malinaw na po sa lahat at hindi na po kayo magtanong kung bakit po kami maaga nagpakasal. Marami po kasi ang nagtatanong kung bakit po kami agad nagpakasal kahit bata pa po kami. Una sa lahat, opo, itutuloy po namin parehas ang pag-aaral namin. Hindi po namin isusuko ang pag-aaral namin dahil lang sa pag-aasawa. Gusto pa rin po naming makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan para sa aming pamilya. Tungkol naman po sa gastos sa kasal namin, malaking tulong po ang pamilya namin. Sila po ang tumulong at gumastos para maging maayos at memorable ang araw ng kasal namin. Sobrang nagpapasalamat po kami sa mga pamilya namin dahil hindi po namin kakayanin kung wala sila. Isa rin po sa naging dahilan kung bakit kami agad nagpakasal ay dahil buntis po ang aking asawa. Tinanggap po namin ito at pinili naming harapin nang magkasama. Bilang lalaki at asawa niya, mahal na mahal ko po siya at tinanggap ko po ang sitwasyon namin. Hindi ko po siya iniwan at hindi ko rin po siya pababayaan. Alam ko pong marami pa kaming pagdadaanan dahil bata pa po kami at marami pa kaming kailangang matutunan sa buhay. Pero hindi naman po namin kailangang maging perfect agad. Ang mahalaga po ay parehas kaming nagsisikap, nagtutulungan, nagmamahalan at ginagawa ang lahat para sa magiging pamilya namin. Hindi po namin inaasahan na maiintindihan kami ng lahat, at okay lang po iyon. May kanya-kanya po tayong opinyon at pananaw sa buhay. Ang hinihiling lang po namin ay sana respetuhin ninyo ang desisyon namin at ang buhay na pinili naming pagsaluhan. Naniniwala po ako na hindi hadlang ang pagiging bata para bumuo ng pamilya kung parehas kayong handang magsikap at panindigan ang isa’t isa. Hindi man po madali ang magiging buhay namin, pero alam kong kakayanin namin basta magkasama kami. Mahal na mahal ko po ang asawa ko at gagawin ko po ang lahat para sa kanya at sa magiging anak namin. Naniniwala po ako na mas marami pang blessings ang darating sa aming mag-asawa at sa aming pamilya. Yun lamang po, Maraming salamat po sa inyong lahat!🫶🏻
2026-08-11 16:08:40
44141
miarii8
spideyri :
parang binata at dalaga lang po kayo
2026-08-08 14:20:49
9713
rawrtothemaxix
a :
"Actually po, I'm 19 years old and my wife is 20" PAANO NA AKO NITO 😭😭
2026-08-08 22:23:27
23675
xaiiriepo
Xaiirieee ✨ :
Yung matatanda kasi ngayon maka kita ng mga mag nobyo at nobya or whatever ang hirit lagi ke babata pa pero kung tatanungin mo ilang taon sila nag asawa 16 HAHAHAHA
2026-08-13 13:27:48
4697
urnattyhendrick
sinigang🦈 :
One man happy, all man happy!!
2026-08-13 08:50:09
865
_.veevrns
౨ৎ :
The future every couple needs.
2026-08-08 10:58:45
4907
yourfavsecretacc4
Ellaaa :
I love the thought of getting married but its not ever gonna happen to me
2026-09-05 13:17:39
0
wriyz3
️ :
parang hindi to yung nakikita ko sa future namin
2026-08-08 11:52:05
8232
hindikopoalamkungsino
hitsumi :
HAAAAAAAAAAAAAAAAAAA TAPOS AKO NA 20 NA DI PA RIN PINAPAGYAGAN MAG SLEEP OVER?
2026-08-26 02:47:09
608
jayra.navalta
prttyme :
6yy6666 6’ymymmm m. Myym
2026-09-06 05:00:13
0
_nanhi_desu_ka_
私はイエンディですか :
so cute🥺
2026-09-06 12:10:49
0
jino.floreza
crisjnohx :
congrats pree
2026-09-06 02:03:32
0
ly_charms
charms :
nakakailang attend na'ko ng kasal ngayong umaga wala manlang pa Shanghai
2026-08-09 00:50:06
440
friedcheemcken
Friedcheemcken :
Sana all hindi hinahadlangan ng pamilya.
2026-08-09 11:59:15
292
sizzlingadoboz
nvmywnm :
bakit mga ka-edad ko lang mga kinakasal ngayon?!
2026-08-09 00:13:49
1425
gotta_lovedre
𝙿ⁿ𝚂|banana :
For sale : kapatid ko Issue : nagiging paniki pag inuutusan bat ako ,bat ako , bat ako
2026-09-01 07:09:20
27
mikihenzels
Miki💕 :
Don’t bash them for their early marriage, it’s their life!
2026-08-11 02:53:09
36
_rjmanalo
RJ :
Church Location: Archdiocesan Shrine and Parish of St. John the Baptist - Lian, Batangas
2026-08-07 12:45:44
1111
To see more videos from user @_rjmanalo, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About