Leoooo :
Bella, maybe this time I really have to accept na hindi lahat ng mahal natin, mananatili sa atin. I used to believe na kapag mahal mo talaga yung tao, you keep trying no matter how hard things get. Kaya kahit ilang beses akong nasaktan, I still chose to understand you. I kept giving you space, kahit minsan hindi ko na alam kung kailangan mo lang ba talaga ng space or if you were slowly learning how to live without me. Hindi ko naman hinihingi na maging perfect ka. I never needed you to always know what to say or what to do. Gusto ko lang maramdaman na you're trying too. Kasi ang sakit kapag ikaw yung laging nag-aadjust, ikaw yung laging umiintindi, tapos ikaw rin yung nag-iisip kung paano maaayos yung bagay na dapat pareho niyong inaayos. There were so many times na gusto kitang kausapin, pero pinili kong manahimik kasi ayokong lumala pa. I kept telling myself na baka kailangan mo lang ng time, baka magiging okay din tayo, baka babalik din yung dati. Pero habang hinihintay kita, hindi ko napansin na ako pala yung unti-unting napapagod. And honestly, Bella, I don't think you'll ever know kung gaano kita pinili kahit ang dali sanang umalis. I stayed because I genuinely believed na worth it yung meron tayo. I kept understanding you kahit may mga times na ako naman yung hindi naiintindihan. I kept holding on kahit hindi ko na alam kung may hinahawakan pa ba talaga ako. I still miss you sometimes. May mga random moments pa rin na may nagpapaalala sakin sayo, and for a second, nakakalimutan kong wala na tayo. Ang hirap kasi ang dami ko pang gustong sabihin sayo, pero wala na akong place para sabihin lahat ng yun. I can miss you without coming back. I can still care about you without choosing to hurt myself again. I don't want to hate you, Bella. Ayokong gawing masama lahat ng naging memories natin just because things ended differently than we expected. You were real to me. What we had was real to me. And kahit masakit yung ending, I won't pretend na wala kang naging meaning sa buhay ko. Pero siguro ito na yung part kung saan kailangan kong tanggapin na love isn't always enough. Hindi pwedeng ako lang yung patuloy na kumakapit habang ikaw naman unti-unting bumibitaw.
2026-09-10 03:23:40