@fyt.ph: TIGNAN: Nagsasagawa ng rescue operations ang mga response team ng Philippine Red Cross (PRC) Cavite Chapter, kasama ang Dasmariñas at Silang Branches, para sa mga residenteng stranded dahil sa pagbaha sa Barangay Gahak at Barangay Marulas, Kawit, Cavite. Gamit ang kanilang water rescue teams, patuloy na tinatahak ng PRC ang mga binahang kalsada upang ligtas na maihatid sa mas mataas na lugar ang mga residenteng nangangailangan ng tulong. Namahagi rin ang mga responders ng mga tinapay at iba pang pangunahing relief items sa mga pamilyang apektado ng baha. Patuloy ang response operations habang hinihikayat ang mga residente na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling mangailangan ng agarang tulong. 📲 May nakita ka bang baha, pagtaas ng tubig sa ilog, pagguho ng lupa, o iba pang panganib sa inyong lugar?Iulat ito at magboluntaryo sa LyfSaver, isang AI-assisted at community-powered platform, sa app.lyfsaver.ph. Makatutulong ang iyong ulat sa mas mabilis na pagberipika at pagbabahagi ng mahalagang impormasyon sa komunidad. Sundan din ang LyfSaver page para sa pinakabagong balita, abiso, at updates. #LyfSaverPH #HabagatPH #fyp #foryoupage

Fyt
Fyt
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 08 August 2026 12:39:46 GMT
1100
34
1
3

Music

Download

Comments

iariazo
️ :
2026-08-08 14:38:28
0
To see more videos from user @fyt.ph, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About