@rsonz.111: kurap ako. hindi sa kaban ng bayan, kundi sa pagnanakaw ng tingin sa ’yo. “ketongin daw ang lihim.” transparency, sabi nila. pero bakit kapag ikaw na ang kaharap, hindi ko magawang maging lantad? bakit sa ’yong harapan, ang katotohanan ay lagi kong kailangang pagtakpan? kung susuyurin man ang bawat patagong sulyap, matagal na siguro akong nahatulan ng reclusion perpetua—habambuhay na pagkakulong sa kasalanang paulit-ulit kong ginagawa: ang humiram ng kaunting titig sa ’yo at magkunwaring hindi ako umaasa. para akong kandidato kapag nangangako na hindi na ako maghahabol, hindi na ako aasa. mga salitang pambihirang dali sabihin, pero mahirap namang tuparin, gaya ng ilaw na ipinangako sa dilim ng kalsada, ngunit sa unang ulan, namamatay rin. ngunit kung bibigyan mo ako kahit isang patak ng tiwala, hindi ako magiging katulad ng mga planong nasusunog sa papel. pangakong buo sa pahayagan, pero malayo sa reyalidad ng buhay ng bayan. hindi ako parang resibong may nakatagong halaga, o buwis na paulit-ulit na naniningil sa bulsang matagal nang walang laman. dahil kahit magmukha man akong trapo sa paglinlang ng salita, kailanman, hindi kita gaganunin. kapag nabunyag ang aking mga anomalya, kapag babaguhin na ang sistema, wala nang mabulaklak na plataporma o mahabang talumpati. walang mikropono o madlang mag-aapruba. ikaw at ako lang, at ang katahimikang matagal ko nang kinatakutan. tititigan kita nang mata sa mata. hindi bilang kandidato, hindi bilang trapo, kundi bilang taong sa wakas ay handang manindigan sa sariling salita. hindi ako kukurap. #filipinopoetry #prosa #tula #opm #fyp

r.
r.
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 08 August 2026 15:04:37 GMT
460063
95647
116
16034

Music

Download

Comments

user711082822
￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ :
at sana'y hindi mo masamain ang pagiging kurap ko.
2026-08-08 23:03:59
957
rikatotokari07
hanns :
ii-impeach mo rin ba ako sa buhay mo?
2026-08-09 01:20:11
877
drixxerge
Derexx :
Nakaw tingin pa'rin, kahit matagal nang akin
2026-08-12 08:38:24
4
rraieg
A 🐓 :
Ang ganda po. Can I write something inspired from this? Hehe.🥹
2026-08-16 08:12:55
3
rzaqye.7
raine :
Wish I can repost this
2026-08-08 23:00:15
5
cokebalotchicharon
renebutterbonia-MamAaaaaaaaa :
d nag seen, kinilig to
2026-08-09 03:01:46
56
withlove.eiza
e ♡ :
Husay! 😩
2026-08-08 18:51:19
6
jbazioyu_0
abi :
Ikukulong mo rin ba ako? Hindi sa mga rehas kundi sa mga yakap mo?
2026-08-11 16:38:43
7
jarvismanalis
xzjin :
ako
2026-08-10 08:45:12
5
discoawrd
dela cruz :
woahh
2026-08-09 06:48:28
2
sziiickooo
ronnnnn🎻 :
hiiii! pwede po ba magamit to as reference? susulat sana me ng bagong pyesa hehe. tyia!
2026-08-12 17:45:03
2
elvxvi
11 :
hahshshshahaha
2026-08-11 01:27:56
1
preennnssss
prins :
ikaw nasa hallway, ako nasa gilid ng office nakikiwifi lamangs HEHEHEHAHAAG
2026-08-09 07:07:22
3
deanneding
deanne :
ayun
2026-08-09 03:30:40
1
keonhomisser
ryul's :
AWWWW
2026-08-09 05:27:22
2
alialiaues
j :
ang gandaaa keep writing po
2026-08-09 05:06:47
2
seaw4ll
asawa ni ohm pawat :
sobrang husay!
2026-08-09 01:27:10
1
loopyue
🥨 :
AAAAACKKKKWKKAKAKSJ
2026-08-09 09:52:55
2
inkazeee
Keiii :
danggg that's good
2026-08-09 10:05:00
1
To see more videos from user @rsonz.111, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About