@_chixxsssgoddess_: Sa inilabas na trailer ng Toni Talks, diretsahang tinanong ni Toni Gonzaga si Ma’am Rovelyn Baterbonia kung may personal bang paghingi ng tawad mula sa Ateneo kaugnay ng nangyari sa kanyang anak na si Rene “Bobet” Baterbonia. Ayon kay Ma’am Rovelyn, wala umano siyang natanggap na personal na paghingi ng tawad o pakikiramay mula sa mga kinauukulan. Ibinahagi rin niya na umaasa siyang may lalapit at makikipag-usap sa kanya bilang isang ina na nagdadalamhati at dumaraan sa napakahirap na pagsubok. Dahil dito, hindi niya naitago ang kanyang kalungkutan at pagkadismaya, lalo na sa naramdaman niyang kakulangan umano ng malasakit at pagdamay sa kanilang pamilya sa gitna ng kanilang pagdadalamhati. Mapapanood ang buong panayam ngayong araw, alas-12 ng tanghali, sa Toni Talks. #ReneBaterbonia #MrMVP #RovelynBaterbonia #ToniTalks #CPFDragons