@eskapularyo_1992: PANALANGIN LABAN SA BAGYO Amang Makapangyarihan nilikha at nilagyan mo ng kaayusan ang mundong walang hugis sa simula. Nang naharap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea si Hesus at ang mga alagad inutusan lamang niya itong huminto, ang dagat ay napayapa at ang mga alagad ay napanatag. Ngayong kami’y nahaharap sa lakas ng habagat dasal nami’y ipagsanggalang kami sa hagupit nito at pinsala, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas. B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas. Mahal na Birhen del Carmen, ipanalangin mo kami. San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami. San Roque, ipanalangin mo kami. San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami. San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami. #HabagatPH #EskapularyoSabang
Our Lady of Mt. Carmel Parish
Region: PH
Sunday 09 August 2026 02:29:00 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @eskapularyo_1992, please go to the Tikwm
homepage.