@girlypopshopfinds:

𐙚🧸ྀི
𐙚🧸ྀི
Open In TikTok:
Region: US
Sunday 09 August 2026 12:20:14 GMT
21621
86
12
9

Music

Download

Comments

regannicole26
Regan :
Waittt where’s the top from tho??
2026-08-12 23:18:30
1
rachhart06
rachhart06 :
Weight and height and size?
2026-08-17 09:16:48
1
effy_towers
Effy Towers :
In the cart they look like they flare like a bootcut but here they look straight legged. Which is it?
2026-08-12 20:31:40
0
emmie9547
✨ Emma ✨ :
I have been eyeing these for so long!
2026-08-12 00:36:22
1
To see more videos from user @girlypopshopfinds, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

'Nakaaway ko noong Season 1!' Vice Ganda, napagkamalang si Tado Miss Q&A contestant Natawa ang mga manonood ng noontime show na
'Nakaaway ko noong Season 1!' Vice Ganda, napagkamalang si Tado Miss Q&A contestant Natawa ang mga manonood ng noontime show na "It's Showtime" matapos mapagkamalan ng host nitong si Vice Ganda na namayapang komedyante at TV personality na si Arvin "Tado" Jimenez. ang isang contestant ng Miss Q and A ay ang Sa isang viral na eksena sa programa, napatitig si Vice Ganda sa isang kalahok nang lumabas ito sa entablado para ipakilala niya. "Si Candidate #3 ay nakaaway ko noong Season 1," biro ni Vice. Ilang sandali pa, saka niya sinabing, "Akala ko si Tado. Sorry. Sorry." Agad namang nagtawanan ang mga host at audience dahil sa tila namalikmata si Vice sa contestant na nakasuot ng salamin at may facial features na nagpapaalala umano sa yumaong komedyante. Bagama't biro lamang ang naging komento ni Vice, muli nitong naungkat sa mga netizen ang isa sa pinakamatunog na sagutan sa kasaysayan ng It's Showtime noong 2010, kung saan kapwa hurado sina Vice at Tado. Bago maging full-time host si Vice Ganda, matatandaang punong hurado muna siya sa old format ng Showtime, at hindi siya na-e-evict. Nagsimula noon ang tensyon matapos magbigay ng komento si Tado sa isang performing group at gumamit ng terminong "pang-gay," na hindi nagustuhan ni Vice. Lalo pang uminit ang usapan nang ipabasa ni Tado ang nakasulat sa kaniyang kontrobersyal na T-shirt na may mensaheng "Di bale nang magnakaw kaysa mamakla." Dahil dito, ipinagtanggol ni Vice hindi lamang ang kaniyang sarili kundi maging ang LGBTQIA+ community, at nauwi sa patutsadahan ang dalawa sa live telecast ng programa. Naging malaking usapin noon ang kanilang bangayan sa telebisyon at social media. Gayunman, hindi nagtagal ang kanilang hidwaan. Kinabukasan ng insidente, kapwa humingi ng paumanhin sina Vice Ganda at Tado sa isa't isa sa live telecast ng programa. Inamin ni Vice na nadala siya ng emosyon habang sinabi rin ni Tado na wala siyang intensyong manakit ng damdamin. Nagkabati ang dalawa at tuluyang tinuldukan ang kanilang alitan. Si Tado ay pumanaw noong Pebrero 2014 matapos masangkot sa isang aksidente sa bus sa Bontoc, Mountain Province. Naganap ang trahedya nang mawalan ng kontrol ang GV Florida Transport bus at mahulog sa bangin na aabot sa 120 talampakan ang lalim, na ikinamatay ni Tado at ng 13 pang pasahero. #Balita #ViceGanda #Tado #MissQ&A

About