@gmanews: MALALAKAS NA HAMPAS NG ALON SA BAYBAYIN NG LAWA NG TAAL As of 2:17 PM, malalakas ang paghampas ng alon sa baybayin ng lawa ng Taal sa bahagi ng Barangay Ambulong, Tanauan City ngayong araw, August 10, 2026. Ayon kay YouScooper Dennis Aquino, bagamat nakararanas ng malakas na hangin at hampas ng alon mula sa lawa, nananatiling kalmado ang bulkang Taal. #YouScoop Courtesy: YouScooper Dennis Aquino #GMANews