@santosjayar_: Sa tuwing lalaki ang ilog, lumilikas ang mga nakatira malapit dito. Taon-taon, pareho ang eksena baha, paglikas, pangamba, at muling pagbangon. Pero hanggang kailan? Hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na paglikas. Hindi sapat ang relief goods pagkatapos ng baha. At habang ang mga tao ay nagdurusa sa bawat pag-apaw ng tubig, may tanong na hindi na dapat natin iwasan: Saan napunta ang pondong para sana sa flood control? Kung may pondo para protektahan ang mga komunidad, bakit tila ang mga tao pa rin ang kailangang magbayad ng presyo ng baha? Hindi ito dapat maging normal. Hindi dapat maging taunang kwento ang paglikas. Kapag ang pondong para sa proteksyon ay kinakain ng korapsyon, ang ordinaryong Pilipino ang lumulubog. Ito ang resulta kapag ang pera para sa kaligtasan ng bayan ay hindi napupunta sa dapat nitong paglingkuran.#kurapsyonsapinas #floodcontrolproject
jæyar
Region: PH
Monday 10 August 2026 14:50:51 GMT
Music
Download
Comments
Hyurnce3 :
permission to use your video po ate pwed epo ba?
2026-08-31 04:11:27
0
Rhen Santos :
🥺
2026-08-15 07:58:53
0
To see more videos from user @santosjayar_, please go to the Tikwm
homepage.