@maharlikanumedia: La Mesa Dam umapaw, mga residente inilikas Mahigit 400 residente sa Barangay North Fairview, Quezon City ang kinailangang lumikas matapos tumaas ang tubig kasunod ng pag-spill ng La Mesa Dam nitong Martes. Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Habagat, umapaw ang Tullahan River at mabilis na tumaas ang baha sa ilang bahagi ng barangay. Umabot umano sa halos limang talampakan ang tubig sa ilang lugar, kaya nagsagawa ng forced evacuation ang mga awtoridad. Samantala, aabot sa 141 pamilya o mahigit 400 katao ang dinala sa North Fairview High School bilang evacuation center. May ilang residente rin na kinailangang sagipin habang tumatawid sa baha na hanggang baywang ang lalim. Patuloy namang nakaalerto ang mga awtoridad dahil maaari pang tumaas ang tubig habang nagpapatuloy ang pag-ulan. Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na manatiling nakatutok sa mga abiso at agad lumikas kung kinakailangan. #WeatherUpdate #NorthFairview #LaMesaDam #BalitangPilipinas #MaharlikaNuMedia

Maharlika NuMedia
Maharlika NuMedia
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 11 August 2026 09:29:11 GMT
687
12
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @maharlikanumedia, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About