@rogerpangilinan0: Nakatakda nang magsagawa ng isang fact-finding investigation ang Office of the Ombudsman sa mga umano'y maanomalyang flood control project sa Taguig City. 'Yan ang kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Bilyonaryo News Channel kasunod ng mga imbestigasyon ng opisina ni Senator Panfilo Lacson. Kabilang daw sa mga posibleng imbestigahan ang sinasabing illegal reclamation activities sa balwarte ng mga Cayetano. Narito ang Exclusive Agenda report ni Joash Malimban. #BNCExclusive #FloodControlScandal