@dose.dies.99: Dating pangarap namin ng mama ko, sa wakas ay nasakatuparan na rin. Hindi lang ito tagumpay ko—tagumpay din ito nina Mama at Papa. Sa bawat sakripisyo, panalangin, pagod, at luha na ibinigay ninyo para sa akin, ngayon ay unti-unti nang nagbubunga ang lahat. Maraming pagkakataon na muntik na akong sumuko, pero kayo ang naging dahilan kung bakit patuloy akong lumaban. Ang pagsusuot ko ng unipormeng ito ay hindi lamang simbolo ng aking pangarap, kundi simbolo rin ng pagmamahal, pagtitiis, at walang sawang suporta ng aking mga magulang. Lahat ng hirap sa loob ng mahigit apat na buwan ng training ay naging sulit dahil alam kong hindi lang sarili ko ang dala ko—dala ko rin ang mga pangarap ng aking pamilya. Para sa inyo ito, Mama at Papa. Maraming salamat sa hindi ninyo pagbitaw sa akin. Mahal na mahal ko kayo. Class 120-2026 "MAGAT KALASAG" To God be all the glory. ❤️🇵🇭 #philippinecoastguard #PCG #Class120 #MAGATKALASAK #rtczamboanga
Dose Dies Nobenta y Nuwebe
Region: PH
Tuesday 11 August 2026 16:24:15 GMT
Music
Download
Comments
P.S. I LOVE YOU :
tagalog ka bro pero congrats🫵🏼🫡
2026-08-11 16:29:10
1
To see more videos from user @dose.dies.99, please go to the Tikwm
homepage.