@oneph_cignal: “TUMINGIN MUNA SA SALAMIN” Uminit ang plenaryo matapos manawagan si Senator Raffy Tulfo kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na i-confirm ang mga miyembro ng minority bloc para makaupo sa mga komite ni Tulfo. Giit ni Tulfo, tila “hino-hostage” ni Cayetano ang membership ng kanyang mga kasamahan sa komite. Sinagot naman siya ni Senator Pia Cayetano na dumiretso na lang sa kanya kung may concern ito sa kanyang kapatid. Ani Pia, “Huwag na ho kayo mag-drama ng pa-hostage-hostage, hindi ho tayo ganito rito.” Sagot naman ni Tulfo, "Never po akong nag-drama rito. Tumingin muna kayo sa salamin bago kayo magsalita." #oneph #newsph #SocialNewsPH