@anne.d.90: Mula sa makapal na basurang bumabara, ngayo’y malinis na at mas maayos na ang Redemptionist Water Channel sa Barangay Baclaran, Parañaque City. Matapos ang isinagawang clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Parañaque City Government, nabawasan ang mga basurang bumabara sa daluyan ng tubig. Isang magandang hakbang para sa mas malinis na kapaligiran at mas maayos na daloy ng tubig, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. 🌧️💧 📸 DPWH #RedemptionistWaterChannel #Baclaran #ParañaqueCity #DPWH #creatorsearchinsights