@jessamaysc: POV: Isa kang agriculturist na naka-assign sa barangay na halos lahat ay umaasa sa pagsasaka. 🌾💔 Sa bawat taniman na nakikita kong lubog sa baha, naiisip ko kung ilang buwan silang naghirap, nagpagod at gumastos para mapalago ang kanilang pananim. Pero isang malakas na ulan lang… maaaring matangay lahat. Hindi lang pananim ang nalulunod sa baha. Pati pangarap, puhunan, at kabuhayan ng isang pamilya. Kaya sa mga makakakita nito, sana po ay matulungan natin ang ating mga magsasaka. 🙏 Kahit maliit na tulong, malaking bagay na para sa kanila. Sila ang nagpapakain sa atin. Ngayon, sila naman ang nangangailangan ng tulong natin. 🌾🤍 #tulongsamagsasaka #baha #magsasaka #Agrikultura #helpfarmers