@christie5796: #sanndion #fypppp #美人娘子 #christie5796 #christie2796

美人娘子
美人娘子
Open In TikTok:
Region: MY
Sunday 16 August 2026 15:14:53 GMT
150
2
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @christie5796, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

Hindi ka pinalaki sa kalinga, kundi ng mga ngipin. Ang paghele sa ’yo ay tunog ng mga nababasag na tadyang, ng mga nagngangalit na panga, kaya’t natuto ka lamang magmahal kapag nasasaktan: kagat, kalmot, at pangil laban sa sinumang naglakas-loob mag-alok sa ’yo ng pag-ibig. Tinanong mo, “Ano ang pagmamahal kung walang pagluluwalhati sa mga sugat?” At ang katahimikan ang sumagot: “Dayuhan ang awa sa mga isinilang sa ilalim ng krus ng kalbaryo, kung saan ang dugo ang unang alak, ang pasa ang tanging ebanghelyo, at ang binyag ay walang iba kundi isang talaan ng mga lumang kasalanan.” Nag-aalab ang iyong mga alaala sa halip na maghilom. Lagi kang naghihintay sa kirot ng mga bagay na kailanman ay ’di nangyari. Pagsisisi ang santong hinahalikan ko bago matulog— hindi dahil sa mga nawala sa akin, kundi sa mga sarili na kailanman ay hindi ko naging. Niluluksa ko ang estrangherong maaari sanang ako, ang lupang hindi ko diniligan ng dugo, ang mga tawa na hindi ko na-ukit sa himpapawid. May mga lalawigan sa aking kaibuturan na itinayo lamang mula sa mga pasyang hindi pinili. Gabi-gabi silang nagliliyab. Ang kanilang mga baga’y kumikislap sa aking lalamunan sa tuwing may magtatanong, “Saan ’yung masakit?” At sinasabi ko: Masakit sa pagitan ng mga posibilidad at mga nabubulok. Masakit sa pait ng mga salitang hindi ko kailanman maririnig. Masakit sa katahimikan mong iniwan nang sabihin mong alaala ka na lang na pinakiusapan kong manatili. Noon, pinagbabaga natin ang apoy upang makaramdam ng init. Ngayon, pinagbabaga na lang natin ito upang marinig ang kaniyang paghikahos. Sabi mo, “Nakakaadik ang galit.” Sabi ko, “Oo—dahil isinasabuhay nito ang ating pagluluksa.” Hinahayaan nating maagnas ang ating mga puso, dahil patunay ang ating nabubulok na bangkay na minsan tayong nabuhay. Pinapanood natin ang sarili nating mawala para lang masabi na minsan tayong may anyo. Kadena sa paa ang ating naipong mga sakit, gaya ng mga tanikalang sagrado sa bigat at pinagpala sa dahas. May manipis na linya, singnipis ng abo, sa pagitan ng pagluluksa at katinuan. Binaybay natin ito nang nakayapak, magkasama. At ngayo’y lumuluhod ako sa lupang nilapastangan, ang iyong boses ay nakatahi pa rin sa kisame ng aking bunbunan at ibinubulong ko: “Maski ang delusyon ay karapat-dapat sa isang eulohiya.”

About