@mjaguilarofficial: Looking for interns ako. Pero mas accurate siguro kung sabihin kong naghahanap ako ng mga taong gustong matutong maging builders. Hindi mo naman kailangang alam na agad lahat. Sa simula, you’ll need direction. I’ll also give you clarity muna kung ano yung role mo, ano yung responsibility mo, and ano yung kailangan mong matutunan. Pero habang nagkakaroon ka ng experience, ayokong manatili kang naghihingtay lang ng next na ipapagawa. I want you to eventually understand the bigger picture, magdala ng sarili mong ideas and matutong gumawa ng decisions within your role. And eventually panindigan kung ano yung sinabi mong kaya mong hawakan. That’s the kind of working relationship I want to explore through Luminate So ito talaga yung invitation: **Can we build together?** If ikaw yung taong may gustong patunayan—not just to other people, but to yourself—follow this campaign. And tell me: Ano yung kailangan mong makita para masabi mong totoong “building together” siya—and hindi lang magandang promise?