It's me CJ :
Bat kaya yung iba ang haba-haba kung mag-comment? 😭 Pwede namang maiksi lang kung ano yung nakita nyo at kung ano yung masasabi nyo sa post na nakikita nyo. Pwede nyo lang naman sabihin na “Wow, ang galing!” “Wow, nice!” “Ang astig!” “Nakakatuwa naman!” Tapos like na. Ako nga kapag magco-comment ako, iniiksi ko lang talaga kasi nakakapagod mag-type ng mahaba. Tsaka sayang sa oras, diba? Mas mabuti pang yung bawat letra na itatype natin sa isang mahabang comment, ibahagi na lang din natin sa ibang post o status na gusto nating suportahan. Bigyan din natin sila ng oras at atensyon. Kaya iksi-an nyo lang din ang comment nyo para marami pa kayong mapuntahang ibang status.
Kasi isipin nyo, ang dami pang posts na pwede mong makita, ang dami pang kaibigan na pwede mong i-like, ang dami pang status na pwede mong hangaan, at ang dami pang comments na pwede mong lagyan ng simpleng “wow” o “nice.” Kapag humaba pa nang humaba ang comment mo, mauubos ang oras mo sa kakatype. Eh paano na yung ibang gagawin mo? Paano na yung gawaing bahay mo? Hindi ka na makakapaglinis ng bahay, hindi ka na makakapagsaing, hindi ka na makakapaghugas ng plato, hindi ka na makakapagligpit ng gamit, at baka pati pahinga mo mawala na dahil inuubos mo ang oras mo sa pagta-type ng napakahabang comment. 😭
Kaya payo ko sa inyo, mga guys, iksi-an nyo lang kapag magco-comment kayo. Hindi naman kailangan na sobrang haba para maipakita mong nagustuhan mo ang post. Minsan sapat na ang “Wow!” o “Ang galing!” o kahit isang simpleng “Nice!” Basta ramdam naman na nakita mo at nagustuhan mo. Kasi kung hahabaan mo pa, baka sa sobrang dami ng letra na tina-type mo, malimutan mo na kung ano ba talaga ang gusto mong sabihin. Tapos bago mo matapos ang comment mo, may sampung bagong post na agad sa feed mo. 😭Ako nga, maiksi lang ako mag-comment para may panahon pa ako sa ibang bagay. Pag nakita kong maganda ang post, “Wow, nice!” agad. Tapos like. Tapos scroll na ulit. Simple, mabilis, walang pagod sa kamay, at hindi nasasayang ang oras. Ganun lang dapat. Hindi naman kailangan gumawa ng thesis sa comment section.
2026-10-02 06:24:45