Kian🐟 :
Para sa akin, let's start with the basic: guidance from parents ang isa sa pinakaimportante sa lahat. Minsan, sa paghahangad natin ng magandang buhay para sa mga anak natin, nakakalimutan nating ang kailangan nila hindi lang pagkain, pera, gadgets, at magandang education. Kailangan din nila ng oras, attention, discipline, pagmamahal, at tamang guidance.
Alam natin na may mga nangyayaring insidente sa bansa, kabilang na ang mga shooting incidents sa schools. Kaya naiintindihan ko kung bakit may mga panawagan na dapat ibaba ang minimum age kung kailan dapat managot ang isang bata sa batas. Pero bago natin isipin kung paano paparusahan ang bata, dapat din nating tanungin: Saan nagsimula? Sino ang gumabay sa kanya? Ano ang environment na kinalakihan niya?
At kung may mga adults na alam nilang mali ang ginagawa nila at alam nilang maaari silang makulong, pero ginagawa pa rin nila, ipinapakita nito na hindi lang ito simpleng usapin ng alam ang tama at mali. Minsan, may malalim na dahilan kung bakit patuloy na gumagawa ng masama ang isang tao—environment, values, trauma, influence ng ibang tao, o kawalan ng tamang guidance habang lumalaki.
Kaya para sa akin, dapat bata pa lang, parents na ang unang nagtuturo ng respeto, empathy, self-control, accountability, at consequences ng bawat action. Hindi sapat na sabihing “basta mag-aral ka” o “basta may pagkain ka.” Kailangan din nating malaman kung sino ang mga kaibigan nila, ano ang pinapanood nila, ano ang nararanasan nila sa school, at kung ano ang nasa isip at puso nila.
Hindi natin kayang bantayan ang mga anak natin 24/7. Pero kaya nating bigyan sila ng values na dadalhin nila kahit wala tayo sa tabi nila.
Discipline should start at home, guidance should start at home, and accountability should be taught at home. Hindi man nito kayang pigilan ang lahat ng masasamang pangyayari, malaking bagay pa rin ang pagpapalaki sa batang marunong rumespeto, umunawa, at managot sa sariling actions.
2026-08-18 23:09:08