@dyna.librando: Job 1:1-5 ASD
[1] May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job. Walang kapintasan ang kanyang pamumuhay at siya ay matuwid; may takot siya sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. [2] Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. [3] Mayroon siyang 7,000 tupa, 3,000 kamelyo, 500 pares ng baka at 500 asnong babae. Marami din siyang alipin. Siya ang pinakamayaman sa buong silangan ng Israel. [4] Nakaugalian na ng mga anak niyang lalaki na halinhinang maghanda sa kani-kanilang mga bahay at inaanyayahan nilang dumalo ang tatlo nilang kapatid na babae. [5] Tuwing matatapos ang handaan, naghahandog si Job para sa kanyang mga anak. Maaga siyang gumigising at nag-aalay ng handog na sinusunog para sa bawat anak niya, dahil naisip niyang baka nagkasala ang mga ito at sinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso. Ito ang palaging ginagawa ni Job.
#bibleverse