@dmwphl: 𝗞𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗟𝗜𝗙𝗧𝗶𝗻𝗴: 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗞𝗨𝗪𝗔𝗜𝗧 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗨𝗥 Pagkatapos ng kanyang karanasan sa Kuwait, unti-unting binubuo ni OFW Victoria Esquerra Moso ng Libmanan, Camarines Sur ang panibagong simula para sa sarili at sa kanyang pamilya. Sa tulong ng DMW AKSYON Fund na bahagi ng UPLIFT initiative ng pamahalan na layong palakasin ang agarang suporta para sa mga OFW, lalo na ng mga humaharap sa mga hamong pang-ekonomiya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., plano niyang magsimula ng bigasan, ipagpatuloy ang kanyang gamutan, at magkaroon ng mas maraming panahon para alagaan ang kanyang anak. Para kay Victoria, malaking bagay ang pagkakaroon ng malalapitang ahensya sa oras ng pangangailangan. “Kung sila man po ay may distress, lumapit lang po sila dito sa DMW o kaya sa OWWA. Madali lang po lumapit at napakadali lang po nilang lapitan. Sobrang blessed po talaga namin.” Ikaw ba ay isang OFW na humaharap sa distress o crisis situation? Alamin kung kwalipikado ka Kabayan para sa AKSYON Fund. Bisitahin o i-contact ang DMW Central Office o ang pinakamalapit na DMW regional office o Migrant Workers Office (MWO): https://dmw.gov.ph/contact-us. #OFW #DMW #DMWPHL #TahananNgOFW #BagongPilipinas

Department of Migrant Workers
Department of Migrant Workers
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 18 August 2026 23:02:56 GMT
155
4
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @dmwphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About