@rmnnetworknewsph: ‘BINIBIGAY KO PO ANG BUONG TIWALA KO SA AMING DEFENSE TEAM’ NEWS UPDATE: Nagbigay ng reaksyon si Vice President sa harap ng ilang media sa Zamboanga City kaugnay sa pag-usad ng kaniyang impeachment trial sa Senado. Ayon sa bise presidente, may tiwala siya sa kaniyang defense counsel at hiling din niya umano na mapabilis ang proseso. Nang tanungin ito patungkol sa mga usapin na mas mapapabilis ang paglilitis kung personal itong dadalo, ang tugon ng bise presidente, “Hindi po totoo iyon,” at “fully represented” naman aniya siya sa paglilitis. | via Merasol Monteza, RMN Zamboanga #RMNZamboanga #RMNnews #PowerOfHyperlocal #TatakRMN