@hermandadmacarenaph: Ang 𝐁𝐄𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐎𝐒 ay salitang Español na galing sa “besar” (humalik) at “manos” (mga kamay), kaya literal itong nangangahulugang “paghalik sa kamay.” Sa tradisyong Católico, lalo na sa mga imagen ng Mahal na Virgen sa España tulad ng pinakasikat na Mater Dolorosa, ang 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐄𝐍 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐄𝐒𝐏𝐄𝐑𝐀𝐍𝐙𝐀 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐑𝐄𝐍𝐀 na matatagpuan sa Barrio Macarena sa Sevilla, ang Besamanos ay isang seremonya ng pagpaparangal kung saan inilalapit ang imagen sa mga devoto na tila ang Virgen ay bumaba mula sa kanyang trono upang tayo ay makalapit, makapanalangin, at magbigay-galang sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang kamay. Bilang ang imahen ng 𝐋𝐀 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐑𝐄𝐍𝐀 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀 ang nag-iisang replica sa Asya na kinikilala ng Hermandad de la Macarena (Oficial), misyon ng aming Hermandad na ilapit ang devoción sa mga Filipino, lalo na sa mga walang pagkakataong makapunta sa España. Sa pamamagitan ng Besamanos dito sa Filipinas, mararanasan ng mga devoto ang paglapit, pagdarasal, at paghalik sa kamay ng Mahal na Ina kahit ilang libong milya ang layo mula sa kanyang tahanan sa Sevilla. Kasalukuyang nasa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar (Imus Cathedral) hanggang sa darating na Linggo, 23 Agosto 2026, ang Virgen ng Macarena para malapitan naman ng kanyang mga devotong Caviteño na hindi makapunta sa Santa Maria, Bulacan — ang kanyang tahanan dito sa Filipinas. Nawa’y ang presensya ng 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 ay patuloy na maging daan ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal. ¡Esperanza Nuestra! — AMING PAG-ASA! 💚⚓️ #HermandadMacarenaPH #EsperanzaMacarena #EsperanzaNuestra #Macarena #Besamanos
HermandadMacarenaPH
Region: PH
Wednesday 19 August 2026 11:10:00 GMT
Music
Download
Comments
isabelvega998 :
esa no es la macarena de Sevilla
2026-08-21 18:41:50
2
unbothered :
🙏
2026-08-23 08:09:48
1
CASTREEE :
qué bonita es
2026-08-22 16:41:47
1
Escultor. Jesús Estepa Maillo :
ole la devoción por la Virgen de la Esperanza
2026-08-21 10:45:14
0
Alberto peluquero :
Bonita 💚
2026-08-21 15:41:59
0
Catholic fan :
guapa y reina!!
2026-08-20 15:32:36
0
Justa Maria Castro :
Amén
2026-08-22 00:43:24
0
Sweet Revenge :
🥰🥰🥰
2026-08-19 13:21:08
0
darkside :
🥰🥰🥰
2026-08-20 11:05:29
0
To see more videos from user @hermandadmacarenaph, please go to the Tikwm
homepage.