@abantenews: EXCLUSIVE: Nakapanayam ng Abante Radyo ang supervisor ng kontraktor kung saan ipinaliwanag niya kung bakit lubak-lubak ang kalsada sa bahagi ng riverside sa pagitan ng Las Piñas at Bacoor, Cavite. Ayon kay Anne Biñas, ang site supervisor ng proyekto, temporary lang umano itong kalsada at ilang beses na umano nila itong inayos. Pahirapan kasi umano ang pagsasaayos dahil sa sunod-sunod na pag-ulan, inaanod din kasi ang tambak na buhangin kapag inilalagay ito tapos biglang uulan. | via Chill Emprido